Setyembre 21, 1972 nang lagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang
Proclamation 1081 para isailalim sa Batas Militar ang buong Pilipinas. Pero 7:15 pm noong Setyembre 23 niya pormal na inanunsyo sa mga mamamayan sa pamamagitan ng telebisyon ang naturang deklarasyon.
Ginamit na basehan ni Marcos sa pagdedeklara ng Martial Law ang umano'y lumalaking banta ng mga komunista sa bansa.
Pormal namang inalis ni Marcos ang Martial Law sa pamamagitan ng Proclamation No. 2045 noong Enero 17, 1981. -- FRJ, GMA News