Kasabay ng paggunita sa kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio ngayong Huwebes, muli ring nagbalik sa alaala ang marahas niyang kamatayan sa kamay ng mga kapwa Filipino at mga kapwa rebolusyonaryo.



Isinilang noong November 30, 1863 sa Tondo sa Maynila, kinilala si Bonifacio hindi lang sa kaniyang tapang kung hindi maging sa kaniyang talino at pagmamahal sa pamilya at bayan.

Panganay sa limang magkakapatid, maagang sinuong ni Bonifacio ang paghahanap-buhay para sa pamilya nang maulila sila sa ama't ina sa murang edad.

Hindi man nakatapos ng pag-aaral, nagbasa siya ng iba't ibang aklat tungkol sa French revolution, mga pangulo ng Amerika, batas sa Pilipinas, at ilang mga akda nina Victor Hugo at Pambansang Bayani na si Jose Rizal.

Dahil dito, nahubog ang kamalayan ni Bonifacio at naging susi sa kaniyang mahalagang papel sa kasaysayan para sa kalayaan ng bansa.

Naging "ama" siya ng Katipunan at "Supremo" ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan o KKK, ang kilusang na nag-aklas para sa kalayaan ng pilipinas mula sa EspaƱa.

Noong 1896, nadiskubre ng mga mananakop na Kastila ang lihim na samahan.

Inakusahan siya ng sedisyon at pagtataksil laban kay Emilio Aguinaldo, at sinentensyahan ng kamatayan ng mga katipunerong Magdalo, kasama ang kapatid niyang si Procopio.

Taong 1897, sa pangunguna ni Lazaro Makapagal, pinaslang si Bonifacio at ang kaniyang kapatid na si Procopio sa Maragondon, Cavite.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ang kanilang mga labi. -- FRJ, GMA News