Naging numero unong pelikula ang “Hello, Love, Again” sa Netflix Philippines matapos ang premiere nito sa streaming platform.
Ang blockbuster na pelikula, na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, ay umangat sa top spot nitong Sabado sa Top Movies in the Philippines Today.
Ang “Hello, Love, Again” at ang “Balota,” na pinagbibidahan ni Marian Rivera, ang natatanging dalawang pelikulang Pilipino na nasa listahan. Pangpito naman ang “Balota.”
Napanood ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan sa Pilipinas Nobyembre noong nakaraang taon.
Lumikha ito ng kasaysayan nang tanghalin itong highest-grossing Filipino film of all time, na humigit ng P1 bilyon sa gross sales.
Sequel ito ng 2019 blockbuster din na "Hello, Love, Goodbye." Ang setting ay nasa Canada limang taon matapos maghiwalay ng landas sina Joy at Ethan sa Hong Kong. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News