Patay sa pamamaril ang isang barangay captain sa bayan ng Sapang Dalaga sa Misamis Occidental.
Iniulat sa "Unang Balita" nitong Biyernes na nanonood lamang ng singing contest sa pista sa barangay ang biktimang si Chairman Roderick Malazarte, nang bigla na lamang itong pagbabarilin sa gitna ng kasiyahan.
Naisugod pa umano sa ospital si Malazarte ngunit ideneklarang dead on arrival ito.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente upang malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen. —LBG, GMA News