Inilahad ng Filipino community leader sa Guam ang naranasan ng kaniyang pamilya nang tumama ang Supertyphoon na "Mawar." Ang nasabing bagyo, papasok pa lang sa Philippine Area of Responsibility (PAR), at tatawaging "Betty."
Ayon kay Patrick Luces, presidente ng Filipino Community sa Guam, nawalan ng kuryente sa isla nang hagupitin sila ng bagyo.
"What we’ve seen so far is much damage, power out throughout the island over 18 hours now. Water is out in some areas and no pressure in other areas. We’ve had a lot of flooding, landslides, a lot of damage throughout the island,” sabi ni Luces sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes.
“Supertyphoon Mawar has passed. It has made its way away from Guam but at this time we’re still receiving scattered rain showers and periodic gusts of wind. It’s still very dangerous outside,” dagdag niya.
Sa ulat ng Reuters, sinabing si Mawar ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Guam sa nagdaang mga taon.
Idineklarang Category 4 storm, taglay ni Mawar ang lakas ng hangin na hanggang 150 mph (240 kph) at malakas na ulan. Gayunman, wala namang matinding pinsala na idinulot sa naturang isla na teritoryo ng Amerika.
“My family we had blackouts and water coming in throughout the windows despite the window shutters. It was coming in from three sides of the house. It was really bad, and there was flooding indoors,” ani Luces.
“I did have to tie one of my doors because the pressure was so strong. That was our experience here with our young kids in the house,” patuloy niya.
Sabi naman ni Gina Tabonares Reilly sa ulat ng GMA News "24 Oras," parang may dumadaan na tren sa kanilang bubungan nang manalasa ang bagyo.
“Habang nasa loob kami ng bahay, parang ang rumaragasang...alam mo ‘yung train ang dumadaan sa bubong mo, ‘yung parang inaalog ka dumadaan ‘yung train,” pahayan ni Reilly.
Ayon kay Luces, walang Pinoy na iniulat na nasawi o nasaktan dahil sa hagupit ni Mawar. Pinayuhan niya ang mga Pinoy sa Pilipinas na mag-ingat sa posibleng maging epekto ng bagyo sa bansa.
“This typhoon is so dangerous that it was very life-threatening. Take the warnings now, take shelter. If you are in a thin shelter, look for concrete shelter if you can,” paalala ni Luces.
Ayon sa state weather bureau ng Pilipinas na PAGASA, posibleng pumasok sa PAR ang bagyo sa Biyernes o Sabado, at papangalanan itong "Betty."
Sa 11 p.m. tropical cyclone advisory nitong Huwebes, sinabing ang sentro ng mata ng bagyo ay tinatayang nasa 1,840 kilometers east ng southeastern Luzon dakong 10 p.m.
Kumikilos ito pa-westward sa bilis na 20 kilometers per hour (km/h), taglay ang pinakamalakas na hangin na 205 km/h malapit sa gitna, pagbugso na hanggang 250 km/h, at central pressure na 910 hPa. —FRJ, GMA Integrated News