Kinumpirma ni Gal Gadot na "in the works" o ginagawa na ang pelikulang “Wonder Woman 3.”
Sa panayam niya sa Comicbook, sinabi ng Wonder Woman star na kasama niya sa paggawa ng pelikula ang mga bagong big boss ng DC Studios na sina James Gunn at Peter Safran.
"I love portraying Wonder Woman… It's so close to and dear to my heart. From what I heard from James and from Peter is that we're gonna develop a 'Wonder Woman 3' together," sabi ni Gal.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing sinusundan ng Wonder Woman 3 ang Wonder Woman noong 2017 at sequel na Wonder Woman 1984 noong 2020.
Napanood din si Gal bilang si Wonder Woman sa "Batman v Superman: Dawn of Justice." —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News