Si Ralph de Leon ang napili bilang "Pinoy Big, Bigger, Better, Best Boy 2025" ng mga babaeng housemates sa "pageant" na ginawa sa Bahay ni Kuya sa episode ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" nitong Miyerkoles.

Sumalang ang mga lalaki sa tatlong round: Runway & Pick Up Line, Talent Portion, at Question & Answer.

Isa sa mga cook sa loob ng bahay ni Kuya, pinahanga ni Ralph ang mga kababaihan sa kaniyang pagiging chef.

Sa Q&A portion, tinanong ang Kapamilya actor na: "Kung ikaw ay daily supply, ano ka at bakit?"

"Alam niyo naman ako ang number one 'Saing King' [kaya] kanin, siyempre. It has to be there with every meal and siyempre I have to be with you every moment," sagot niya.

Hanggang sa tanghalin siya bilang Pinoy Big, Bigger, Better, Best Boy 2025 at nanalo ng dalawang itlog.

"Sobrang grateful po ako kasi first ever winner ng 'Pinoy Big Boys' tsaka nag-sacrifice po talaga ng 2 eggs 'yung mga girls para mabigyan po kami ng premyo. Sobrang-sobrang happy ko po talaga," sabi ni Ralph.

Samantala, wagi si Will Ashley sa Best In Kaldag award at may isang massage bilang premyo habang si Brent Manalo naman ang nakasungkit ng Best In Kilig medal, kaya mayroon siyang dagdag na 10 minuto para sa shower call.

Sa naturang episode rin, nagkuwento pa si Ashley Ortega tungkol sa samaan ng loon nila ng kaniyang ina.

Samantala, inanunsyo ng "Pinoy Big Brother" na magtatayo sila ng paresan na tatawaging "Pinoy Big Pares" sa harap ng Bahay ni Kuya nitong Marso 27 hanggang 28 mula 3 p.m. hanggang 8:00 p.m.

 

 

Bukod sa pares, kasama rin sa menu ang tokwa't baboy.

Narito ang full menu:

Tokwa't Baboy (Ala Carte) - P79
Classic Pares (With Plain Rice) - P129
Overload Pares (With Plain Rice) - P149
Add-ons:

Palamig - P20
Extra Rice (per cup) - P25

Tokwa't baboy ang nagwaging dish mula sa weekly task ng housemates. Inihanda ito nina Ashley Ortega, Bianca De Vera, AC Bonifacio, at Charlie Fleming.

Napanonood ang bagong episodes ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network ng 10 p.m. ng weekdays at 6:15 p.m. sa weekends. --mula sa ulat ni Josiah Antonio/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News