Nagbabala sa publiko ang Sparkle GMA Artist Center laban sa pekeng account sa Viber na nagpapanggap na si Kyline Alcantara upang makahingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina.
“We have been informed of fraudulent messages circulating on Viber that falsely claim to be from 'Kyline Alcantara' soliciting donations from certain individuals. Please do not respond or provide any personal information. Verify the sender's identity first,” saad sa pahayag ng Sparkle GMA Artist Center.
“Stay vigilant, everyone,” paalala pa nito.
Kung nagnanais magbigay ng donasyon sa mga nabiktima ng nakaraang kalamidad, maaaring magpadala sa Kapuso Foundation. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News