Natawa na lang ang team ng sikat na online seller at social media celebrity na si Madam Inutz sa naging mga sagot nila sa tanong na "anong pangalan ng pagkain na inuulit."

Kasama ni Madam Inutz sa kaniyang team sina Tantan, Lovely at Diane, nang sumabak sila sa game show na "Family Feud Philippines" na host si Dingdong Dantes.

Tanong ni Dingdong, "bukod sa kare-kare, anong pangalan ng pagkain ang inuulit?" Pero iba ang pagkakaintindi nila sa naturang tanong.

Alamin ang naging mga sagot ng Team Inutz, na aminadong iba pala ang kaba kapag nakasalang na sa game show kumpara sa nanonood lang sa TV. Panoorin ang masayang episode.--FRJ, GMA Integrated News