Pagdating sa laro, siniseryoso talaga ng mga runner sa "Running Man Philippines" ang bawat challenges. Kahit pagtulungan pa nina Mikael Daez at Kokoy De Santos si Angel Guardian.
Sa bagong challenge, kailangang mabisto ng boys kung sino sa mga girl ang spy na sina Angel at Glaiza de Castro.
Nang mahuli ni Kokoy si Angel, todo ang acting ng aktres para hindi siya mabisto. Pero nakuha pa rin ni Kokoy ang name tag ni Angel dahil sa tulong ni Mikael.
Sa huli, sina Mikael at Glaiza ang natira at sa kanila nakasalalay para malaman kung ang boys o spies girl ang mananalo sa naturang challege. Panoorin ang nakatutuwang episode ng "Running Man Philippines."--FRJ, GMA News