Inihayag ng British singer at "The X Factor UK" winner na si James Arthur na nakaranas siya ng anxiety at panic attacks dulot ng COVID-19 pandemic. Pero nalampasan daw niya sa suporta ng mga tao.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing isinulat ni James ang bago niyang single na "Medicine" noong nakaraang taon habang lockdown sa United Kingdom.
Ayon kay James, gusto niyang maghatid ng positivity sa pamamagitan ng bago niyang single.
"I wanted to just write a song that was positive and about love and will help people focus on the things that help them get through dark times," saad niya.
Nagsilbi namang "medicine" niya ang mga tao na nagpapakita ng pagmamahal at pagsuporta, anoman ang pinagdadaanan.
"When you go through that kind of time, you appreciate the people that support you, whether it's your girlfriend or your family or your friends, or video games or food. It made me appreciate the people that love me and help me get through," ani James.
Nakatanggap din ng maraming mensahe si James mula sa fans matapos nilang mapakinggan ang Medicine.
"I got a lot of messages from fans in Philippines, Filipino fans. If my song or my singing can get people, one person through a hard day, that means that's worth it. It makes what I do even more enjoyable," saad niya.
Nobyembre 2019 nang bumisita si si James sa Pilipinas at nagkaroon ng series ng mall tours.
Ayon kay James, hindi niya malilimutan ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Pinoy na sumuporta sa kaniya at pagmamahal.
"It was like nothing like I've ever seen before. The Filipino fans are so loving. They just showed me so much love. My fondest memories, I was in the malls and they were all singing along. And it sounded so massive," sabi ng British singer.
At nang tanungin kung babalik ba siya sa Pilipinas, tugon niya, "Absolutely, yeah. I mean, 100%."--FRJ, GMA News