Dahil mga artistahin din tulad ng kanilang mga tatay na sina Gary Estrada at Wendell Ramos, sinagot nina Icee Ejercito at Saviour Ramos ang tanong kung may balak din silang pumasok sa showbiz.

Sa "Sarap Diva" nitong Sabado, parehong sinagot nina Icee at Saviour na gusto muna nilang tapusin ang kanilang pag-aaral, saka nila ikokonsidera ang pag-aartista.

Pag-aamin nina Gary at Wendell, namamangha sila na halos katulad nila ang kanilang mga anak pagdating sa personality.

"Parang ako na babae siya, 'yung ugali. Lahat yata ng ugali ko nakuha niya," sabi ni Gary.

"For example wala ako, kasama lang niya (Saviour) 'yung mga classmates niya, parang sinasabi akong ako daw gumalaw pati 'yung 'pag nagpaandar na, nagyayabang na ng kuwentuhan. Pero 'pag kasama ko siya, hindi ko napapansin eh," sabi naman ni Wendell.

Panoorin ang kanilang masayang talakayan.

 

—Jamil Santos/LBG, GMA News