Habang hindi pa raw handa si Kapuso actress Jennylyn Mercado na lumagay sa tahimik, sinabi naman ng leading man niya sa MMFF movie na "All of You" na si Derek Ramsay na handang-handa na siya.
"Yes, I'm very ready. I'm at that point in my life where I can see the future in exclusive. Just find the right time. Me as a whole, sobrang ready na po ako. Sure na sure," sabi ni Derek sa ginanap na press conference ng pelikula nitong Biyernes sa Quezon City.
Sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa Disyembre 7, magiging 41 na si Derek at girlfriend niya ngayon ang model na si Joanne Villablanca.
Si Joanne ay mayroon nang anak, si Sophie. Sinabi ni Derek na nakikita niya raw ang "sense of family" sa tuwing kasama niya ang dalawa.
"She's there outside wanting to be with me, wanting to support me on another project... Everything is just nice, because, you know, I'm a family guy, and with a daughter there and Jo being a wonderful mom, I get this sense of family and I like it," sabi ni Derek.
May mga nararamdaman daw na palatandaan si Derek na si Joanne na ang kaniyang "the one."
"Little things like, nakita n'yo ngayon hindi na ako nagfi-frisbee. Mas gusto ko na lang makasama siya," sabi pa ng aktor.
"I enjoy just waking up in the morning na siya ang kasama ko. Kung hindi ko siya kasama, siya ang unang hahanapin ko."
Inihayag ng aktor na nagli-live in na sila ng kaniyang girlfriend, at nararamdaman niya ang pagiging ama kay Sophie.
"Practically we are. A year, and 'yung isang guest room ko naging room na ni Sophie. I realize things like when we're going out to the mall. I wanna buy Sophie a table, I wanna buy her a lamp shade, things that I would never do before. Dati I wanna buy some rubber shoes, I wanna go buy rims for my car. Now it's like, 'Let's buy her lights so meron siyang night lights sa kuwarto."
Hindi pa matiyak ni Derek kung kailan siya magpo-propose pero "one thing is for sure, when I get married, that's the time when I have to turn my back in showbiz."
"I guess that's the next chapter of my life," dagdag ng aktor.
Nakatakdang ipalabas ang "All of You" sa Disyembre 25. —ALG, GMA News