Patay ang driver ng isang kotse makaraan itong mahulog sa isang tulay sa Barangay Apad, Ragay, Camarines Sur. Ayon sa MDRRMO Ragay, nangyari ang aksidente 11:30 ng umaga kanina sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Galing sa Maynila ang kotse at patungo sana sa direksyon ng Naga City, Camarines Sur nang mangyari ang trahedya. Hindi naman raw kataasan ang tulay subalit nay tubig ang ilog at nakabaligtad ng mahulog ang sasakyan dahilan para malunod ang mga lulan nito.

Anim ang lulan ng kotse kabilang ang isang bata. Isinugod sa pagamutan ang 5 at ngayon ay kasalukuyan pang ginagamot.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Ragat Municipal Police Station.—RF, GMA Integrated News