Mas mataas na singil sa kuryente ang ipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) sa Marso dahil umano sa pagtaas ng generation charge.
Sa abiso ng Meralco, sinabi nito na P0.05453 per kilowatt-hour (kWh) ang madadagdag sa kanilang singil sa Marso. Magiging P11.4348 per kWh ito mula sa P10.8895 per kWh na singil noong Pebrero.
Dahil dito, tinatayang P109 ang madadagdag sa bayarin ng isang tahanan na kumukonsumo ng 200 kWh.
Ang pagmahal ng higher generation charge na naging P7.3790 per kWh mula sa P6.9154 per kWh noong nakaraang buwan ay sanhi na rin umano ng paggamit ng mas mahal na alternative fuel dahil sa Malampaya maintenance shutdown.
Sa kabila nito, inihayag ni Jose Ronald Valles, pinuno ng Regulatory Management Office ng Meralco, na “this month’s generation charge increase would have been significantly higher, but we took the initiative to cushion the impact in the bills of our customers by coordinating with some of our suppliers to defer collection of portions of their generation costs.”
Sinabi pa ni Valles, na ang P1.1 bilyon na kabuuang deferred costs ay babawiin na lang sa paunti-unting dagdag-singil sa susunod na dalawang buwan na Abril at Mayo.— FRJ, GMA Integrated News