Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang bagong chairman ng Civil Service Commission (CSC).

Sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes, inilabas ang larawan ni Nograles habang nanunumpa kay Duterte para sa bago niyang posisyon.

Magsisilbi si Nograles bilang CSC chair hanggang February 2, 2029, at Malalampasan pa niya ang termino ng susunod na pangulo na hanggang June 30, 2028.

Dahil sa bagong posisyon ni Nograles, tatlong puwesto na dati niyang hawak ang mababante-- ang Cabinet Secretary, acting presidential spokesperson, at Inter-Agency Task Force co-chair.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang pagtatalaga ng mga bagong opisyal at kawani sa mga sangay ng pamahalaan 45 araw bago ang halalan, maliban ng kung pahintulot ng Commission on Elections (Comelec).

Nitong nakaraang Pebrero nagretiro ang dating chairperson ng CSC na si Alicia dela Rosa-Bala, na tumagal sa posisyon ng pitong taon.

— FRJ, GMA News