Hindi pangkaraniwan ang trip ng isang bride at groom nang idaos nila ang kanilang kasal sa isang sementeryo at magsuot sila at ang kanilang mga bisita ng itim sa Alaminos, Pangasinan. Ang groom, nangakong mamahalin ang kaniyang bride hanggang magdilim ang kaniyang paningin.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, mapapanood na kulay itim ang suot ng bride at groom na sina Marelinda Caranay at Ronald Verzosa.
Itim din ang suot ng kanilang mga abay.
Sinabi ni Verzosa na itim ang paborito niyang kulay at gusto niyang kakaiba ang kanilang kasal. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Kasal, idinaos sa sementeryo sa Pangasinan; bride, groom at mga bisita, mga naka-itim
Enero 2, 2024 2:08pm GMT+08:00