Hindi ninyo na kailangan bumiyahe pa sa Mount Pulag para makakita ng pamosong "sea of clouds."

Nakamamanghang dagat ng ulap din kasi ang makikita sa taas ng bundok sa Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya, ayon sa isang ulat sa Unang Balita nitong Martes.

Ang tanawing 'yan, masisilayan mula sa kalsada kaya naman napapa-wow ang mga dumaraang motorista.

Kadalasang lumilitaw ang mala-sea of clouds na tanawing 'yan tuwing ber months. — MDM, GMA News