Isinasabuhay pa rin ng mga residente sa Lucena, Quezon ang diwa ng bayanihan sa kabila ng modernong panahon, ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Martes.
Kuha sa isang video ang tulung-tulong na pagbubuhat ng mga magka-kapitbahay sa isang kubo para ilipat ito sa kabilang sitio.
Dinala ang kubo sa isang palaisdaan para matirhan ng nagbabantay ng fishpond.
Inabot ng 40 minuto ang tulong-tulong na paglipat ng mga residente sa kubo. — Joviland Rita/RSJ, GMA News