Kinaaliwan sa bayan ng Sisom, Surigao Del Norte ang mga cute na baby na lumahok sa baby crawling contest.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, sinabing ang pakulo ay bahagi ng selebrasyon ng bayan para sa "nutrition day" noong Martes.
Mga baby na edad anim hanggang walong buwan ang sumali sa aktibidad.
Sa hudyat ng emcee, sabay-sabay na binitawan ng mga magulang ang kanilang baby.
Kaniya-kaniya rin sila ng paraan sila para mapabilis ang paggapang ng kanilang sanggol.
Ang sanggol na nagtuloy-tuloy lang sa paggapang hanggang umabot sa finish line ang itinanghal na panalo.
Sa naturang selebrasyon, ibinida rin ng mga residente sa ang kanilang mga sariwang gulay at prutas.--FRJ, GMA News