Sa kuwentong Dapat Alam Mo! ni Ian Cruz, ipinakilala si Dr. Shalona McFarland, DC, isang animal chiropractor on call sa Bacoor, Cavite, na dinala sa Pilipinas ang chiropractic therapy sa mga hayop mula sa Orlando, Florida.
Halos 25 taon na umano ang karanasan ni McFarland bilang isang chiropractor.
“I actually a second generation chiropractor. My dad is a chiropractor. He does people and animals also. I've actually been doing this since I was five,” saad ni McFarland.
“There is a special certification. You have to be either a chiropractor or a veterinarian in order to do animal chiropractic legally. I moved here about five months ago and I was actually hired as a chiropractor,” dagdag niya.
Kaya ni McFarland na banatin ang mga kasukasuan ng halos lahat ng klase ng hayop, malalaki man o maliliit, tumatakbo, at maging ang mga lumilipad.
“Pretty much anything with a nervous system, which is all animals, I have been known to treat. I go in and I assess the nervous system. I check specific points for specific issues. I can determine whether there's a kidney issue, whether there's an ulcer,” sabi ni McFarland.
Ayon sa eksperto, nakakonekta ang nerves sa gulugod o spinal cord. Kaya naman kapag bahagyang na-dislocate ito, maaaring maipit ang nerves at maapektuhan ang paggana ng ibang-ibang bahagi ng katawan, kasama ang mga organ ng mga hayop.
“Halimbawa, ‘yung nerve na nasa may dulo ng spine is responsible du’n sa digestion. Kapag naipit ‘yun, medyo nahihirapan mag-digest. Tinatawag nating indigestion. Kapag ka natanggal natin ‘yung pagkaipit du’n sa nerve, bumabalik sa normal ‘yung functions,” paliwanag ng veterinarian na si Dr. Rizalina Zunio.
Kung kaya muling itinutuwid ni McFarland ang spinal cord para maibsan ang partikular na sakit na nararamdaman ng isang hayop.
Kadalasang pasyente ni McFarland ang mga aso at mga kabayo, na madalas gamitin ang kanilang mga paa at binti sa pagtakbo.
“I can treat anything from limping, pulled muscles, poor behavior. I've treated a lot of high-end horses. In order to get the best performance out of them, you need to have a body that's in perfect working condition,” saad ni McFarland.
Sinusuri muna ni McFarland ang kondisyon ng mga aso, bago uumpisahan ang pagpapalagutok ng kanilang binti, likod at legs.
Pagdating naman sa mga malalaking hayop gaya ng kabayo, gumagamit si McFarland ng martilyo para mapadali umano ang pagpapalagutok ng kanilang gulugod.
Taong 1899 nang matuklasan ni Daniel David Palmer ang animal chiropractic treatment.
Ayon sa Palmer College of Chiropractic, natuklasan ni Palmer na gaya ng sa mga tao, nadi-dislocate rin ang buto sa gulugod ng mga kabayo na nagreresulta sa pagkakaipit sa nerves.
Nagsisimula pa lamang ipakilala sa Pilipinas ang chiropractic therapy.
“Dito sa Pilipinas kasi, ‘yung chiropractic is actually hindi siya traditional medicine. Considered siya as alternative medicine. Bago pa lang siya na pina-practice. Dapat bago ka makapagpractice nito, meron siyang at least two years na pag-aaral. Safe naman siya. Basta napag-aaralan siyang mabuti,” sabi ni Zunio.
“It absolutely gives them more life, a better quality of life. Ultimately, I'm here to help people and animals,” sabi ni McFarland.
Naging suki na ni McFarland ang Siberian Huskies na sina Baxia at Belerick, na may iniindang sakit sa sikmura.
“Every na nati-treat sila, nare-relax sila. Parang comfortable sila. Gumaganda ‘yung kain nila,” sabi ni Dennis, amo nina Baxia at Belerick. -- FRJ, GMA Integrated News