Nag-viral sa social media ang isang cellphone video na makikita ang isang lalaki habang sinasaktan ang kaniyang 14-anyos na babaeng kaklase na buntis pa man din. Alamin sa programang "Alisto" ang ugat ng kanilang pinag-awayan at kung papaano mapapangalagaan ang kapakanan ng mga menor de edad kaugnay ng mga katulad na karahasan.
Sa naturang video, makikita rin na may iba pang mag-aaral na tila nagtatawanan at walang ginawa habang sinasaktan ng lalaki ang menor de edad na biktima.
Bukod dito, mayroon pang hiwalay na insidente na sinasaktan naman ng isang at wala silang ginawa iba pang video, makikita naman ang isang dalawang taong gulang na bata na sinasaktan ng kaniyang tiyuhin na pinalo niya ng tsinelas sa mukha.
Batay sa pag-aaral ng Unicef Philippines na inilabas noong 2016, lumilitaw na isa sa tatlong bata ang nakararanas umano ng pisikal na pang-aabuso at karamihan ay nangyayari sa kanilang mga tahanan. -- FRJ, GMA News