Sa programang "Pinoy MD," ipinaliwanag ni Dr. Raul Quillamor ang normal at hindi normal na cycle o tamang bilang ng araw ng pagkakaroon ng buwanang "dalaw" ng mga kababaihan.

Kasama si Connie Sison, binigyang kasagutan ng resident obstetrician-gynecologist na si Dr. Quillamor, ang padalang tanong kung normal ba ang pagkakaroon ng linggo-linggong menstruation o regla.

Ayon kay Dr. Quillamor, hindi normal ang pagkakaroon ng lingguhang regla dahil ang normal na cycle umano ng buwanang dalaw ng mga kababaihan ay nasa 21 hanggang 35 days.

Ang pagkakaroon umano ng regla nang higit sa 35 araw o kapos ng 21 araw ay hindi na normal, lalo na kung linggo-linggo.

Payo ng duktor sa ganitong sitwasyon, makabubuting magpasuri na ang babae para malaman ang dahilan ng sobrang aga o kaya naman ay pagkaantala ng pagdating ng kaniyang buwanang dalaw.

Kasabay nito, ipinaliwanag din ni Dr. Quillamor na posible at pwedeng mangyari na magkaroon ng maagang regla ang mga batang babae kahit 10-taong-gulang pa lang ito.

Panoorin ang buong video at iba pang paliwanag ni Dr. Quillamor tungkol sa buwang dalaw at maging sa pagbubuntis.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News