Sa bisa ng arrest warrant, dinakip ng mga pulis ang 67 anyos na lalaki sa Angono, Rizal noong Martes.
Akusado siya sa kasong pagtangkang panghahalay sa isang 16 anyos na dalagita.
Ayon sa pulisya, kukuha lang sana ng police clearance ang akusado para kanyang trabaho bilang taxi driver.
“The suspect, hindi niya alam na may existing warrant. And kumukuha siya ng police clearance… Nung nakita ng ating clearance personnel na may existing warrant,kaagad siyang inaresto,” ayon kay Police Col. Felipe B. Maraggun, Rizal Provincial Police director.
Sa recors ng pulisya, taong 2015 ang umano'y tangkang panghahalap ng akusado sa isang dalagita sa Binangonan, Rizal.
“Ang victim is a 16-year-old minor and ang masaklap dito is pamangkin ng friend niya mismo, friend ng suspect. Dinala niya sa motel yung biktima, nakipaglaban yung biktima, nakatakas and nai-report sa police and from there na-filean siya ng kasong attempted rape. Aminado naman siya,” sabi ni Colonel Maraggun.
Ayon sa akusado, alam niyang inireklamo siya ng pamilya ng biktima. Pero 'di raw niya alam na may arrest warrant na pala.
Aniya, na-holdap pa raw siya ng kanyang kaibigan na magulang ng biktima, bago ang insidente ng umano'y tangkang panggagahasa.
“Nanghihiram po kasi ng pera yan sa akin, yung magulang ng babae. Eh ngayon po, hindi ko po napahiram. Hindolap pa ako eh. Naibigay ko ho yung pera ko na kwatro mil mahigit po yun,” ayon sa akusado.
Isang araw makalipas ay niyaya niya raw ang menor de edad na biktima na sumama sa kanya sa isang motel.
Sabi pa niya, isang linggong makarelasyon na raw sila ng dalagita.
“Eh may gusto rin sa akin yung bata. Nasabi nya rin sakin… Ginusto rin niya na sasama siya,” sabi ng akusado.
Giit niya, wala raw nangyaring attempted rape.
“Hindi ko tinangka. Ginanun ko lang siya sa balikat. [Tapos po?] Eh ngayon nagsisigaw na yung bata, nagsisigaw na na “nire-rape mo ko! nire-rape mo ko!” “Di kita nire-rape huy!”, sabi kong ganun. “Di kita nire-rape”.”
Pero kalaunan, umamin siyang… “Eh, may gagawin sana ako kaya nga lang, hindi na natuloy. Eh balak ko sanang umano, yung makapag isa, isang jab.”
Sa custodial facility ng Angono Municipal Police Station kasalukuyang naka detain ang akusado. — BAP, GMA Integrated News