Isang 15-anyos na dalagita ang ginahasa umano ng apat na lalaki, kabilang ang kanyang dating nobyo, matapos yayain sa inuman sa Mandurriao, Iloilo City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, batay sa detalye mula sa GMA Regional  TV One Western Visayas, sinabi ng pulisya na ang dating nobyo ng biktima ang nagyaya sa kaniya sa inuman kasama ang kanilang mga kaibigan Martes ng madaling araw.

Habang nag-iinuman, doon na umano nangyari ang panghahalay.

Timbog ang apat na lalaki at isang miyembro ng LGBTQ na kasabwat umano sa krimen.

Sinusubukan pang kunin ang pahayag ng mga suspek.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News