MEDINA, Misamis Oriental - Ikinagalak ng mga residente ng bayan ng Medina sa Misamis Oriental ang pagbubukas ng Christmas Festival 2022 nitong Sabado ng gabi.
Buhay na buhay ang Paskong Pinoy sa nasabing festival.
Sa temang “Pasko sa Pinas,” nabalot ng iba’t ibang palamuting tatak Pinoy ang municipal grounds.
Dumagsa ang mga residente at iba pang bisita para saksihan ang pag-iilaw ng limang naglalakihang Christmas trees.
Mula sa mga dekorasyon sa mga Christmas tree at municipal building hanggang sa mga sayaw at awitin, damang-dama ng mga dumalo sa programa ang temang Pasko sa Pinas. @gmanews pic.twitter.com/4FY64RcvsN
— Neil ?? (@neilxtiand) December 3, 2022
Mula sa mga dekorasyon sa mga Christmas tree at municipal building hanggang sa mga sayaw at awitin, damang-dama ng mga dumalo sa programa ang temang Pasko sa Pinas.
Natigil ang taunang festival ng dalawang taon bunsod ng COVID-19 pandemic kung kaya ngayong nagluwag na ang restrictions, tuwang-tuwa at puno ng excitement ang mga dumalo sa lighting ceremony at fireworks display.
Natigil ang taunang festival nang dalawang taon bunsod ng COVID-19 pandemic kung kaya ngayong nagluwag na ang restrictions, tuwang-tuwa at puno ng excitement ang mga dumalo sa lighting ceremony at fireworks display. @gmanews pic.twitter.com/qV9xLLVrBX
— Neil ?? (@neilxtiand) December 3, 2022
—KG, GMA Integrated News