Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, tinanong ang actress-singer na si Vina Morales kung naniniwala pa ba siya sa kasal.

“Wow! what a question. Dadating ba ako diyan, ang tanong?” natatawang sagot ni Vina kay Tito Boy.

Pero pag-amin ng 47-anyos na actress-singer, ipinagdarasal niya ito.

“That’s what I’ve been praying for,” saad niya. “That’s in my prayer at kung mangyari 'yon, yung bucket list, another check sa love life naman."

Sa ngayon, sinabi ni Vina na, "I’m just taking it easy” dahil naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kaniya.

“In God’s time, in God’s perfect time. I always believe na, you know, there’s someone out there for me. The right one — ayoko nang ipilit,” patuloy niya.

“I still believe in marriage,” dagdag ni Vina. “Kasi ano yun eh, for me, that’s God’s blessing.”

Dating karelasyon ni Vina si Cedric Lee, at mayroon silang isang anak na si Ceana na isinilang niya noong 2009.— FRJ, GMA Integrated News