Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, inihayag ni Sam Pinto ang dahilan kung bigla siyang nawala sa showbiz kahit masigla ang kaniyang career.
“Honestly I think I was tired and parang burnt out na. Parang I needed a break,” sabi ni Sam kay Tito Boy.
Kuwento ni Sam, na nakilala rin bilang si "Neneng B" sa "Bubble Gang," nataon pa nagtatayo siya ng kaniyang resort na L'Sirene sa Baler noon ding 2017.
“I think I needed a break. But I think I enjoyed the break too much, kasi I was just chilling. I had all the time that I need, I can do anything, I can go anywhere. Freedom, basically,” sabi ng aktres, na napagod umano sa araw-araw na trabaho.
“At the time, ayaw ko na,” pag-amin ni Sam.
“Yes, very happy,” sabi niya tungkol sa kaniyang naging desisyon.
Habang nagpapahinga, na-miss din ni Sam ang showbiz.
“I kinda miss being busy. I know it’s weird. When you’re so used to it and then bigla kang nag-stop, I don’t know what to do with myself,” saad niya.
Ngayong taon, balik-showbiz si Sam, na mapapanood sa Kapuso afternoon series bilang isang psychiatrist na “Abot-Kamay na Pangarap.”
Ayon kay Sam, na-manifest niya ang pagkakaroon ng proyekto.
“What I miss the most is actually the challenge of playing a character. It was so weird because probably two, three weeks ago, I was just thinking na parang, what if umarte ako ulit kasi nami-miss ko na eh ‘yung memorizing lines, the challenge, researching of the character. And then one week later like, ‘Do you want to do ‘Abot-Kamay’’?” kuwento ni Sam. -- FRJ, GMA Integrated News