Pinarangalan si Kim Rodriguez bilang isang influencer ng Korea Entertainment Star Sharing Volunteer Contribution Awards 2020.

Sa Star Bites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing ginawaran si Kim dahil sa kontribusyon niya sa larangan ng sining at kultura.

"Can't believe I'll be awarded for just doing what I love! Thank you so much, Korea Entertainment Star Sharing Volunteer Contribution Awards for this!" caption naman ni Kim sa kaniyang Instagram.

 

 

Mapapanood si Kim sa "The Lost Recipe" bilang si Dulce, na tutulong sa bidang si Chef Harvey (Kelvin Miranda) sa paglakbay nito sa nakaraan.--Jamil Santos/FRJ, GMA News