Pinaalalahanan ang mga sumali sa GMA promo contest na "Kapuso Milyonation Krismasaya"  na mag-ingat laban sa mga taong magsasamantala tulad ng mga gagamit ng modus na text scam.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing ang mga mananalo ay makatatanggap ng text notification. Bukod dito, makatatanggap din ng tawag mula sa official promo number ng GMA na 8-922-7372 (Metro Manila) at 1800-10-922-7372 (sa labas ng Metro Manila).

Dapat din na tandaan na hindi humihingi ang "Kapuso Milyonation Krismasaya" ng kahit anong pamalit o pambayad bago ma-claim ng nanalo ang kaniyang premyo.
Kaya naman kung may hinihinging kapalit o pera ang magpapadala ng text, magduda na dahil malaman na isa itong scam.

Kapag nakakuha o nakatanggap ng scam text, makabubuting ipagbigay-alam ito sa official numbers ng "Kapuso Milyonation."

Abangan din ang official announcements ng "Kapuso Milyonation Krismasya" mula sa kanilang official facebook page. -- FRJ, GMA News