Muling ipinamalas ng "Eat Bulaga" dabarkads na si Paolo Ballesteros ang kaniyang husay sa makeup transformation nang gayahin niya ang model-actress na si Gal Gabot bilang si " Wonder Woman."

Ipinakita pa ni Paolo ang kaniyang makeup transformations sa Facebook live session.

Bukod sa pagkopya sa mukha ni Israeli-born actress na si Gal, mayroon ding costume na ginamit si Paolo para maging kamukhang-kamukha si Wonder Woman.

Isang video post kamakailan, binati ni Gal ng "mabuhay Philippines," ang kaniyang Pinoy fans para mag-imbita na panoorin ang kaniyang bagong pelikula.

-- FRJ, GMA News