Ipatutupad ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation simula sa Marso 2, 2025 ang taas-singil sa toll .
Sa ulat ng GMA News “Saksi,” sinabi na ang NLEX open system mula sa Balintawak hanggang sa Marilao, Bulacan exit ay tataas ng P5 sa Class 1 vehicles, P13 sa Class 2, at P15 sa Class 3.
Ang magiging bagong singil para sa open system ay P79 para sa Class 1 vehicles, P199 sa Class 2, at P238 para sa Class 3.
Kasama rito ang Caloocan at Mindanao Avenue exits.
Ang mga motorista na gagamit ng NLEX na mula sa Balintawak hanggang Sta. Ines sa Pampanga ay magdadagdag naman ng bayad na P57 para sa Class 1 vehicles, P142 sa Class 2, at P171 para sa Class 3.
Dahil dito, ang magiging end-to-end toll ay P416 para sa Class 1 vehicles, P1,039 sa Class 2, at P1,247 para sa Class 3.
Ayon sa Toll Regulatory Board, ang toll hike ay base sa 2022 petition na hindi ipinatupad noong 2023. –FRJ, GMA Integrated News