Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin sa loob ng isang pedicab sa Baseco compound sa Maynila.

Naganap ang pamamaril sa bahagi ng Block 5 extension ng Amadon, mag aalas dos ng madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa isang residente sa lugar, natutulog siya ng mga oras na yun nang makarinig ng putok ng baril.

Agad daw siyang sumilip sa pinto at nakita na ang mga tambay na nagtatakbuhan.

Dito na rin niya nakita ang biktima na duguan sa loob ng pedicab na hiniram lang daw niya sa isang kapitbahay.

Ayon sa pulisya, sa sentido binaril ang biktima.

Ayon naman sa tiyahin at Kuya ng biktima, hindi nila gaanong nakakausap ang biktima.

Wala rin silang ideya kung sino ang bumaril sa kanya.

Pero hinala nila, may kaugnayan ito sa dati niyang mga kaso na may kinalaman sa pagnanakaw.

Gayunman, patuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pamamaril. — BAP, GMA Integrated News