Bukod sa kung anong gagawin ngayong enhanced community quarantine, problema ng maraming Pilipino ang kakainin.
Sa isang report sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong LInggo, ang isang dalagita sa Surigao del Sur, dinaan sa isang kanta kung paano bibigyan ng ibang lasa ang sardinas.
Sa tono ng “Isang Linggong Pag-ibig” ni Imelda Papin, gumawa ang 13-anyos na si Jazmin Aruyal ng kaniyang sariling bersiyon ng isang linggong sardinas na ulam.
Ayon kay Jazmin, kung sa Lunes ay plain sardinas lang, may kasama na raw noodles pagdating ng Martes.
Sa Miyerkyles naman, papaya ang isasahog niya at kangkong naman daw sa Huwebes.
Samantala, sabi ni Jazmin na sotanghon naman sa Biyernes at para maiba, upo naman na may sardinas ang para sa Sabado.
Pagdating ng Linggo, plain sardinas nanaman. — Ma. Angelica Garcia/DVM, GMA News