Pinagbabaril sa harap ng kanilang mga anak ang magka-live-in sa loob ng kanilang bahay sa Mandaue City.
Ayon sa ulat ng RTV-Balitang Bisdak sa Balita Pilipinas, kinilala ang mga biktima na sina Ricardo Avenido, 38l at si Agnes Pugoy, 36.
Pinasok daw ang kanilang tahanan sa Barangay Labogon ang apat na mga suspect na pawang nakatakip ang mga mukha.
Dati na raw nasangkot sa ilegal na droga si Avenido.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanilang lola ang mga anak ng mga biktima.
Makikipag-ugnayan din ang pulisya sa social welfare office para maisailalim sa counselling ang mga bata na posibleng na-trauma sa nangyari. —NB, GMA News