Patay ang isang preso matapos atakihin sa puso dahil sa matinding init at siksikan sa loob ng Pasay City Police Detention Cell Miyerkules ng gabi.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Domingo Delos Santos na may kinakaharap na kasong illegal drugs.

 

 

Batay sa report ng Station Investigation Detective Management Branch ng Pasay City Police, bago ang pangyayari ay nagsawaga ng noise barrage ang nasa 108 preso ng male detention cell.

Inirereklamo raw ng mga preso ang kawalang aksyon ng mga pulis dahil sa isa isang pagkahimatay ng kanilang kasamahan.

Matapos ang noise barrage ay walong preso ang nag-collapse kung saan isa sa kanila ang idineklarang dead on arrival matapos atakihin sa puso.

 

 

Samanatala, ginawang female detention cell ang underconstruction na opisina ng custodial officer ng Pasay Police dahil sa sobrang dami ng preso.

Ilang imbestigador sa Pasay City Police Station, napilitan namang mag-opisina sa labas dahil sa mabaho at mainit na singaw mula sa katabing selda. — BAP, GMA News