Isang wala nang buhay na sanggol ang natagpuan sa loob ng isang eco bag malapit sa ilog sa Bontoc, Mountain Province.
Sa GMA News "QRT" nitong Biyernes, sinabing nakabalot pa sa itim na tela ang sanggol, nang may residenteng nakapansin sa eco bag na bahagyang natabunan ng lupa.
Sinabi ni Dr. Diga Gomez, Municipal Health Officer, na dalawa o tatlong araw nang nasa lugar ang bangkay ng sanggol.
Agad inilibing ang sanggol at inaalam na ng pulisya kung sino ang nag-iwan sa bata. —Jamil Santos/NB, GMA News