Hindi natuwa si Marian Rivera sa isang manipulated social media post na pinapalabas na mensahe niya tungkol sa biyenan.

Sa kaniyang Facebook page, na makikita rin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, pinost ni Marian ang screenshot sa social media post na may mukha at pangalan niya.

Gayunman, edited umano ang nakalagay na mga salita, at wala raw X account [dating Twitter] ang aktres.

“Hindi ko to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!!  nakakarami na po kayo. tama na!,” pahayag ni Marian sa tunay na post.

Nakiusap si Marian na itigil na ang paggawa ng manipulated posts.

 Sa ngayon, deleted na ang nasabing pekeng post. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News