Isang kutsara ang inimbento sa Japan na kayang magbigay ng maalat na lasa sa dila ng tao kahit walang gaanong asin ang pagkain na kaniyang isusubo.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing ang kutsara ay mayroong rechargeable battery na naglalabas ng mahinang electrical charge na nagpapaalat sa panlasa ng dila.
Ayon sa kompanya na gumawa ng kakaibang kutsara, layunin nito na mabawasan ang mataas na sodium intake o pagkonsumo ng mga tao sa asin na nagpapaalat sa lutuin.
Kapag nasobrahan kasi sa sodium ang tao, maaari itong magdulot ng mga sakit gaya ng high blood pressure at stroke.
Ang healthy na kutsara, umaabot sa P7,000 ang katumbas na halaga.--FRJ, GMA Integrated News