Karaniwang naglalaro sa P30 hanggang P70 ang presyo ng bawat bote ng serbesa at may laman pa. Pero ang isang bote ng lumang serbesa na "Halili" ang tatak, P35,000 na at wala pang laman.

Ano nga ba ang istorya sa likod ng Halili Beer na sinasabing sikat na inumin noon pero bakit nga biglang nawala sa merkado?

Tunghayan ang kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at alamin din kung antigo nga bang laruan ang nakita ni Wowie sa kaniyang bodega na kabayu-kabayuhan at magkano kaya ang halaga nito ngayon? Panoorin.

--FRJ, GMA News