Faith in humanity restored.

Hinangaan ng netizens ang isang batang pulubi sa Cebu na nagpakita ng malasakit sa isang bulag na nahihirapang kumain sa isang karinderya.



Ayon sa ulat sa "24 Oras Weekend," isinalaysay ng uploader ng viral na larawan na walang kasama ang bulag na lalaki nang bumili ito ng pagkain.

Nagkataon namang naroon din ang batang kalye at nabatid na kailangan ng tulong ng bulag.

Nagkusa na raw lumapit ang bata sa may kapansanang kostumer at nagmagandang-loob na subuan ito ng pagkain.

Naantig umano ang puso ng uploader sa pambihirang eksena kaya agad niya itong kinunan ng litrato at inilagay sa social media.

Gusto raw niyang ipaalala sa mga kapwa netizen na hindi lahat ng batang kalye ay dapat katakutan.-- Dona Magsino/FRJ, GMA News