Ibinahagi ni Angeli Khang na napapanood ngayon sa Kapuso series na "Black Rider," ang kuwento sa likod ng kaniyang tattoo sa braso na may kaugnayan sa kaniyang kabataan na nais niyang kalimutan.

Sa panayam ni Kim Atienza sa Dapat Alam Mo, ipinakita ni Angeli ang kaniyang tattoo sa braso na "attraction" umano ang meaning.

Mayroon itong bulaklak at tila itim na mahabang "box."

"Behind this box [sa tattoo] mayroon akong cut before noong bata pa ako na it's about family," saad niya. "Ang reason ko kaya ko pinatakpan is para makalimutan ko na yung cut."

ALAMIN: Angeli Khang, ano ang ginagawa sa mga natatanggap na indecent proposals?

Pero sa halip na makalumutan ang cut, natatawang sinabi ni Angeli na lalo pa raw niya itong naalala dahil sa naging hitsura ng box.

"Nung ipinalagay ko na yung tattoo, itong box na ito mukha namang blade. Kaya the more na gusto kong kalimutan, kapag nakikita ko mas naalala ko pa siya," natatawa niyang sabi.

Sinabi rin ni Angeli na gusto niya noon ang trabaho na may kaugnayan sa medical o lawyer.

Nang tanungin kung totoo na ayaw niyang matawag na sexy actress dahil hindi sexy ang tingin niya sa sarili, sabi ni Angeli na hindi iyon totoo.

"Ï think I got my body from my mom. If I have it then I flaunt it," masaya niyang sabi.

Sinabi rin ni Angeli na hindi siya madalas nagwo-workout.

Napapanood si Angeli bilang si Nimfa sa Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. --FRJ, GMA Integrated News