Sa segment na "Kapuso sa Kalusugan" ng GMA News "Unang Hirit" nitong Lunes, ipinayo ng isang duktor na hindi dapat balewalain ang kagat ng mga insekto. Kasunod na rin ito sa pagkamatay ng isang dating television anchor ang nasawi dulot ng komplikasyon sa kagat ng putakte.
BASAHIN: Dating TV anchor, nasawi dahil sa komplikasyon dulot ng 'kagat' ng putakte
Sa naturang talakayan sa kalusugan, tinukoy ang ilan sa mga karaniwang kagat ng insekto ay gawa ng lamok, ipis, bubuyog, putakte, at langgam.
Ayon sa Dr. Rey Salinel, isang family physician, nagkakaroon ng iba't ibang epekto sa katawan ng tao ang kagat ng mga insekto, depende sa lagay ng kalusugan nito.
Makabubuti umano na pakiramdaman ng tao ang kaniyang sarili kapag nakagat ng insekto. Kapag nakaramdaman ng hirap sa paghinga, pagkahilo, lagnat, at pagdami ng mga pula sa balat, dapat nang magpatingin sa duktor.
Paliwanag ni Salinel, may mga tao na nagkakaroon ng allergic reaction sa kagat ng insekto at peligroso rin sa mga diabetic.
Kung nakagat ng insekto, kabilang umano sa unang dapat gawin bilang first aid ay sabunin ang lugar na nakagat ng insekto, pahiran ng ointment na kontra sa pangangati o uminom ng antihistamine.
Panoorin ang naturang episode at alamin ang ilang puwedeng gawin para hindi lapitan at atakihin ng insekto:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News