Sapul sa video ang pagpatay sa isang pusa sa Talisay, Cebu.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes mula sa GMA Regional TV, makikita sa CCTV na lumabas ang pusa mula sa isang bodega matapos tawagin ng isang bata.

Kita rin sa video na ilang beses pinalo ng isang lalaki ang pusa gamit ang kahoy.

Batay sa imbestigasyon, kapitbahay ng amo ng pusa ang nanakit sa hayop.

Inireklamo na raw ng may-ari ng pusa ang lalaki, na wala pang pahayag. —KBK, GMA Integrated News