Patay ang isang lalaki matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang gusali sa Atimonan, Quezon.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GTV News State of the Nation nitong Biyernes, makikita sa CCTV camera na napalingon ang isang lalaking naglalakad nang may kumalabog sa kaniyang likuran mula sa dinaanan niyang gusali.

Napatakbo ang lalaking naglalakad nang lingunin niya at makita na tao ang bumagsak.

Batay umano sa imbestigasyon ng pulisya, may plano ang lalaking nahulog na magnakaw sa gusali.

Nasa fire exit umano ang lalaki na nasa ikatlong palapag ng gusali nang mahulog.

Sinubukan pa siyang i-revive ng mga rescuer pero hindi na siyang nailigtas.

Nakuha na ng kaniyang pamilya ang mga labi ng lalaki.--FRJ, GMA Integrated News