Nasawi kalaunan ang isang 15-talampakang buwaya na nahuli sa Bataraza, Palawan. Ang kaniyang mga sugat, napag-alamang mga tama pala ng bala.
Sa ulat ng "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing nahuli ang saltwater crocodile noong Huwebes.
Tatlong basyo ng bala ang nakuha sa ribcage ng naturang hayop.
Base sa isinagawang necropsy sa labi ng buwaya, nagkaroon ito ng komplikasyon sa baga dahil sa pamamaril.
Patuloy na inaalam ang nakabaril sa buwaya. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News