Isinailalim sa state of calamity at climate emergency ang bayan ng Masantol sa Pampanga dahil sa malawakang pagbaha dulot ng pag-uulang dala ng hanging Habagat na pinalakas ng bagyong Gardo.
Batay sa report ng GMA Regional TV Balitang Amianan, inulat sa Unang Balita nitong Huwebes na ayon sa local na pamahalaan, apektado na ang kabuhayan ng mga residente at ang pag-aaral ng mga estudyante.
Samantala, lubog din sa baha ilang barangay sa Dagupan, Pangasinan dahil sa pinagsamang epekto ng pag-uulan at ng high tide.
Nangangamba rin ang mga residente na baka lalo pang lumala ang pagbaha dahil sa dalawang bagyong nasa loob ngayon ng Philippine Area of Responsibility (PAR). —LBG, GMA News