Sugatan ang isang ina at kaniyang anak matapos silang pagtatagain ng kanilang padre de pamilya na umano'y lasing sa Zamboanga City.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang dalawang biktima.

Ayon sa ginang, nangyari raw ang pananaga ng kaniyang mister na lasing matapos nilang magtalo.

Nagawang makatakbo ang mag-ina kaya nakaligtas sa nagwawalang suspek.

Nahuli ang suspek sa isinagawang follow-up operation at nabawi sa kaniya ang panaksak na ginamit sa pananaga. -- Jamil Santos/FRJ/KVD, GMA News