Isang 75-anyos na lalaki ang duguan nang mabagok ang kaniyang ulo matapos siyang madulas sa isang palengke sa Panabo, Davao del Norte.
Sa ulat ni Rgil Relator ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng Panabo City Economic Enterprise Management and Development Office, na naging madulas ang tiles sa palengke dulot ng moisture mula sa magkakasunod na pag-ulan.
Dahil sa nangyari, plano nila na palitan ang tiles sa palengke upang hindi na muling mangyari ang aksidente.
Nagpapagaling naman sa ospital ang biktima na hindi nagbigay ng pahayag.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News