Naglabas ng pahayag si John Estrada tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng pagsasama nila ng kaniyang asawa na si Priscilla Meirelles. May nilinaw din siya tungkol sa isang babaeng iniuugnay sa kaniya na si Lily Hallman.

Sa kaniyang Instagram Stories nitong Martes, inamin ni John na, "Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now."

Sinabi rin ng aktor na, "there was more to the story but the last thing I want to do is hurt the people I love."

Nilinaw din ni John na wala silang relasyon ni Lily Hallman, na nakilala lang daw niya sa in Boracay.

"I Just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather," saad niya.

Una rito, tinukoy ni Priscilla si Lily nang magkomento ang dating beauty queen sa isang post ni John habang nasa Boracay.

"Looking very divorced, Mr. Estrada @ Lily Hallman_," saad ni Priscilla sa komento.

Sa huli ng post ng aktor, nakiusap si John ng privacy dahil sa usapin ito ng kaniyang pamilya.

 

 

Bukod dito, may hiwalay na post si John para pabulaanan ang isang "fake post" sa social media na pinapalabas na galing sa kaniya.

“Lalake ako, maraming nagkakagusto sakin kasi matipuno at gwapo tayo. Anong magagawa ko kung tukso na yung lumalapit, edi tukain!”" saad sa post na mula umano sa tweet ng aktor.

“Fake news," saad ni John, sabay babala sa nagpost na, "Magkita tayo sa korte soon. Kung sino ka man.”  -- FRJ, GMA Integrated News